Kasabay ng mainit na usapan hinggil sa isyu ng suspension ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB sa "It's Showtime," agad na nakapukaw ng atensyon sa mga netizen ang nasambit na salita ng isang lalaking kinakapanayam nina Allan K at Miles Ocampo sa noontime show na "E.A.T" para sa "Vortas 5."

Tinanong kasi ni Allan K kung ano ang pinagkakaabalahan ng isa sa dalawang "Vortas." Aniya, siya raw ay dating elementary teacher.

Maririnig naman ang hiyawan sa audience area ng studio.

"Magaling sa bata 'to," sabi ni Miles.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"Mapagpasensya. Mahaba ang pasensya," sabi naman ni Allan K.

"Opo mahaba 'to," sabi naman ng lalaki.

Kapansin-pansin ang tila saglit at "awkward" na katahimikan, hanggang sa kumambyo agad ang hosts. Ipinagdiinan agad ni Allan na pasensya ang tinutukoy niya sabay hampas sa braso ng lalaki.

"Mahaba ang pasensya siyempre bata 'yon..." sansala kaagad ni Miles.

Mapapansin naman na napahawak sa kaniyang bibig ang lalaki at tila may tinitingnang nanaway sa kaniya.

Usap-usapan na ito ngayon sa X lalo't mapagmatyag ang mga netizen sa nangyayari sa noontime shows. Kaagad na ibinahagi ang clip ng isang X account na nagngangalang "Anima Cristi Fermin."

“'Mahaba to' Walang malisya yan. Pwede sa mga jugets na nanonood. Lala at MTRCB walang makitang double meaning!" mababasa sa caption.

https://twitter.com/altcristifermin/status/1699276728445902906

Matatandaang inaakusahang "biased" daw ang naging 12 airing days suspension na ipinataw ng MTRCB sa Showtime gayong wala raw ipinataw sa "E.A.T." kung saan kabilang sa host ang amang si dating Senate President Tito Sotto III.

Subalit naglabas ng opisyal na pahayag ang MTRCB upang linawing dumaan sa due process ang naging desisyon ng ahensya patungkol sa noontime program. sa katunayan daw, hindi umano bumoto rito si MTRCB Chairman Lala Sotto.

MAKI-BALITA: ‘Due process’ ng MTRCB sa suspension ng It’s Showtime, idinetalye 

Matatandaang bukod sa Showtime ay nasita na rin ng MTRCB ang E.A.T. dahil sa nasambit na pagmumura ng host na si Wally Bayola habang isinasagawa ang "Sugod Bahay" segment.

MAKI-BALITA: E.A.T ipinatawag ng MTRCB dahil sa pagmumura ni Wally Bayola

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang pamunuan ng E.A.T., ng TV5, o ng MTRCB tungkol dito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.