Maraming netizen ang naantig sa Facebook post ni Serge Yano nitong Martes, Setyembre 5, dahil sa magkasamang larawan ng aso at ng isang street dweller na tila siyang nag-aalaga rito.

“‘Kindness is doing what you can, where you are and what you have,’” saad ni Serge sa kaniyang Facebook post sa isang online community para sa dog lovers.

Natagpuan niya umano ang dalawa sa Skyway exit malapit sa Don Bosco, Makati.

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Serge, sinabi niyang na-inspire umano siya sa eksenang nakita.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“Naisip ko po kunan ‘yung eksena dahil na-inspire po ako na given the condition po ni ate ay naalagaan pa din niya ‘yung dog niya “

Kaya ang mensahe niya sa kaniyang mga kapuwa dog lover, huwag pabayaan ang kanilang alagang aso kahit anong mangyari sa buhay nila.

“Message ko lang sa mga ibang dog lover is kahit anong mangyari sa buhay n’yo hindi n’yo pwede itapon or pabayaan na lang ‘yung asong pinalaki niyo kasi may buhay din sila and hindi laruan lang na pwede itapon ‘pag ayaw na.”

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, may mahigit 7k reactions at 348 shares ang nasabing post. Humakot din ito ng samu’t saring komento mula sa mga netizen.

“Iiwan ka na ng lahat pero ang aso mo hindi 🥺❤️”

“Eto yung walang pera NGUNIT may PANININDIGAN.. na hindi kaya gawin ng nakakarami.”

“Ang aso Ang isa sa may pinaka unconditional love ❤️❤️❤️”

“Aww, ang pure talaga magmahal ng mga aso 💕”

“Ang sweet ng aso”

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!