Magtatayo ang pamahalaan ng 30 small farm reservoirs (SFRs) sa Ifugao upang matugunan ang kakulangan sa tubig sa panahon ng matinding tagtuyot sa bansa.

Nakapaloob ang nasabing hakbang sa inilunsad na Project LAWA (Local Adaptation to Water Access) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Agosto 31.

Layunin nito na mabawasan ang epekto ng El Niño sa ilang rehiyon sa buong bansa, kabilang na ang Cordillera Administrative Region (CAR).

National

SP Chiz, pinatutsadahan si Guo: 'Wala siya sa lugar...'

Binigyang-diin ng DSWD ang pag-develop ng pangmatagalan at epektibong solusyon laban sa inaasahang matinding tagtuyot.

"Tatlong munisipalidad sa Ifugao, kabilang ang Aguinaldo, Alfonso Lista, at Hungduan, ang makikinabang sa proyektong ito, kung saan inaasahan na magkakaroon ng halos 30 SFRs at higit sa 50 magsasaka at miyembro ng marginalized sector ang target na mga benepisyaryo para sa bawat SFR," anang DSWD.

"Ang Project LAWA ay binuo sa pagtutulungan ng DSWD, Department of Agriculture (DA), at United Nations World Food Program (UN-WFP)," dagdag pa ng ahensya.