Nagbigay ng pahayag ang King of Talk na si Boy Abunda tungkol sa Sexual Orientation, Gender Identity and Expression (SOGIE) Equality Bill nang kaniyang tanggapin ang award ng Outstanding LGBTQIA+ of the Philippines 2023 mula sa awards guru na si Richard Hiñola sa mismong labas ng GMA Network noong Setyembre 4 bago magsimula ang kaniyang show na “Fast Talk with Boy Abunda.”
“SOGIE Bill has been languishing in Congress for almost… what? Ah… more than 25 years now? Nakakalungkot, dahil ito’y pagpapakita na marami pa sa ating mga kababayan sa Kongreso ang hindi nakakaunawa sa kahalagahan ho ng Sexual Orientation, Gender Identity and Expression Bill," anang Boy.
"Sana’y dumating ang panahon na tayo’y magkaisa at i-pressure natin ang Congress na dapat ah… ito’y maipasa na."
Ayon pa kay Abunda mapapakinggan lamang ng Kongreso ang LGBTQIA+ members kung sila ay magpapakilala.
“Ako inaadvance ko yung konsepto na tayo’y pakikinggan lamang ng sambayanan ng Kongreso kung tayo’y magpapakilala."
“Ilan ba talaga ang LGBT dito sa Pilipinas? Ang sabi nila 10% of the Philippine population is LGBT. Sana’y pangarap ko na magkaroon ng Philippine LGBT census ay magkatotoo."
“At ah… if people realize we have the numbers I think people will listen to us. So malungkot ako na nakabinbin ang SOGIE Bill sa House of Congress but at the same time hindi rin ako nanghihina dahil the battle continues."
Sa award na natanggap ni Boy Abunda thankful at honored siya sa karangalang ito. Nagbigay naman siya ng inspiring words sa mga LGBTQIA+ community.
“I will quote Johanna Sigurdardottir. She was a lesbian prime minister (became Iceland’s Prime Minister). Ang kanyang sinabi lamang ay our time will come. And that’s my message. Para yung ating panahon ay dumating kailangan we have to move towards we have to love each other."
"I think inspiration on the women’s movement. It was not easy ibig sabihin may mga panahon na hindi tayo magkakaunawaan pero that’s part of the journey. We can agree to disagree pero we cannot lose sight on the prize. What is the prize? To be treated like equals to men and to women. Be given equal opportunities and para maachieve natin yun kailangan ah…magkaisa tayo. Magkaisa tayo and eyes on the prize ika nga.”