Aabot sa ₱200,000 na halaga ng illegal na coco lumber ang nasamsam ng mga awtoridad sa Zamboanga City kamakailan.

Nasa 26,000 board feet ng undocumented coconut lumber na nakakarga sa dalawang tuck mula sa Port of Isabela City, Basilan ang naharang habang sakay ng isang roll on, roll off passenger vessel na MV Reina Kleopatra sa Port of Zamboanga.

Matapos inspeksyunin, walang maipakitang dokumento ang mga sakay ng dalawang truck kaya't sinamsam ng Philippine Coast Guard (PCG) ang naturang forest product, kasama na rin ang dalawang truck.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nasa kustodiya na ng Department of Agriculture-Philippine Coconut Authority (DA-PCA) Region IX ang nasabing produkto, kabilang na rin ang dalawang truck.

Nahaharap na rin sa kaukulang kaso ang mga inaresto sa naturang operasyon, ayon pa Coast Guard.