Nagsalita rin ang Kapuso soap opera writer na si Suzette Doctolero kaugnay sa naging desisyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na suspendihin ng 12 araw ang pag-ere sa telebisyon ng noontime show na “It’s Showtime”.

Ayon sa kaniyang Facebook post nitong Lunes, Setyembre 4, pinasisiklab umano ng kompetisyon ang paglago sa mundo ng showbiz.

“Instead of resorting to extreme measures that could be perceived as undermining the rival show. I hope MTRCB aspires to promote fairness and healthy competition in the world of television. This is the only way to ensure our industry’s growth.”

Dagdag pa ni Suzette, bilang isa sa mga deputy ng MTRCB, nananawagan siyang rebyuhin ang parusang ipapataw sa naturang programa.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“(ni hindi rin nga ginagamit ang pagiging deputy para ireport ang anumang rival show ng show ko no at delikadeza na lang o hiya sa sarili). Please consider suspending my deputy card na lang rin po. Thanks!”

Matatandaang si Suzette Doctolero ay kilala sa pagbibigay ng maaanghag na opinyon laban sa ABS-CBN.