Sa gitna ng kinahaharap ngayong 12 airing days suspension ng “It’s Showtime,” isang mensahe ang ipinaabot ni Kim Chiu sa mga kapwa niya host sa programa.

Sa kaniyang Instagram post, nagbahagi si Kim ng ilang mga larawan kasama ang mga kapwa host sa noontime show.

“FAMILY!🤍❤️💙💚💜@itsshowtimena family mahal ko kayong lahat!!!! ❤️,” mensahe ni Kim sa mga kasama sa programa.

“Saan man tayo dalhin, ano man ang mangyari basta’t magkakasama tayo. Together as One!🤍,” saad pa niya kasama ang hashtags na #GiftOfFamily, #GiftOfHappiness, at #GiftOfMakingPeopleHappy.

15 public schools sa Davao City, nagsuspinde ng face-to-face classes para sa kaarawan ni FPRRD

Matatandaang pinatawan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng 12 airing days suspension ang “It’s Showtime” nitong Lunes, Setyembre 4.

MAKI-BALITA: It’s Showtime, sinuspinde ng 12 airing days ng MTRCB

Inihayag naman ng ABS-CBN na aapela pa sila sa naging desisyon ng MTRCB laban sa noontime show.

MAKI-BALITA: It’s Showtime aapela pa sa desisyon ng MTRCB