Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Maguindanao del Norte nitong Martes ng hapon, Setyembre 5, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 2:30 ng hapon.
Namataan ang epicenter nito 34 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Datu Blah T. Sinsuat, Maguindanao del Norte, na may lalim na 1 kilometro.
Naitala ang Instrumental Intensity II sa Lebak, Sultan Kudarat.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.