Tumaas sa 5.3% ang inflation nitong Agosto, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Martes, Setyembre 5.
Sa tala ng PSA, tumaas ang inflation sa nakaraang buwan mula sa 4.7% na datos noong buwan ng Hulyo.
MAKI-BALITA: Inflation nitong Hulyo, bumaba sa 4.7% – PSA
Ang naturang datos nitong Agosto ang unang umanong pagtaas ng inflation rate sa loob ng anim na buwan.
“This brings the national average inflation from January to August 2023 to 6.6 percent,” saad ng PSA.
Mas mataas pa rin naman umano ang inflation rate sa bansa noong Agosto 2022 sa 6.3%.
Samantala, ayon sa PSA, nagbigay ng pinakamalaking kontribusyon sa naturang pagtaas ng inflation rate nitong Agosto ang heavily-weighted food at non-alcoholic beverages sa 8.1% mula sa naitalang 6.3% noong Hulyo.
Bukod dito, tumaas din umano sa 0.2% ang halaga ng transportation services nitong Agosto mula sa annual decline na -4.7% noong Hulyo 2023.