Patuloy na napanatili ng Tropical Depression Ineng ang lakas nito habang kumikilos pahilagang-silangan sa bilis na 20 kilometers per hour, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Martes ng hapon, Setyembre 5.

Sa tala ng PAGASA dakong 5:00 ng hapon, huling namataan ang Tropical Depression Ineng 1,020 kilometro ang layo sa silangan ng Extreme Northern Luzon, na may maximum sustained winds na aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 55 kilometers per hour.

Ayon sa PAGASA, wala namang direktang epekto ang bagyo dahil patuloy umano itong malayo sa kalupaan ng bansa.

Gayunpaman, bahagya nitong pinalalakas ang southwest monsoon o habagat na mas hinahatak naman ng Tropical Storm Haikui.

Politics

Sen. Risa, walang balak sumama sa 'Duterte bloc' sa Senado

Inaasahan naman umanong magdudulot ang habagat ng mga pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon sa susunod na tatlong araw.

Inihayag din ng PAGASA na patuloy ring magdadala ng gusty conditions ang habagat sa mga sumusunod na lugar sa Batanes, Ilocos Provinces, the western portion of Pangasinan, Zambales, and Bataan ngayong Martes; at sa Batanes at Ilocos Provinces pagsapit ng Miyerkules, Setyembre 6.

Posible naman na umanong lumabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo ngayong Martes din ng gabi o pagsapit ng Miyerkules bilang isang “tropical storm.”

“Outside the PAR region, INENG will continue in its northeastward or north northeastward movement towards the waters south of mainland Japan,” saad ng PAGASA.