Sa panayam nitong Lunes, Setyembre 4, sa “Fast Talk with Boy Abunda” naungkat ang bilin umano ni Billy Crawford sa asawang si Coleen na huwag siyang isipin tuwing magkakaroon ito ng love scene sa mga pelikula.

“She has to look at me as someone who is fully support. Kung ano ang kailangan niyang gawin for the role, gawin niya lang. Don’t think about me. Huwag niyang isiping may asawa or anything. Just concentrate on the role that she’s actually doing,” paliwanag ni Billy.

Indikasyon umano iyon ng kaniyang respeto sa kung ano man ang trabaho ni Coleen bilang artista.

Nang tanungin ni Boy si Coleen tungkol sa naging reaksiyon niya sa sagot ni Billy, kinilig daw ang aktres. Malaking bagay umano iyon para maging magaan ang kaniyang trabaho.

National

Inflation, 'most urgent concern' na dapat pagtuunan ng PBBM admin -- OCTA

“Kinilig ako because it’s so selfless. It’s like, you know, parang, the assurance. Because the job itself is really difficult…It’s just great having to, like, not having to think about that. You know, it’s one less thing that I have to think about,” sagot ni Coleen.

Pero pag-amin ni Billy, hindi madali sa panig niya na tanggapin ang ginagawa ni Coleen. Kaya idinadaan nila sa pag-uusap para maunawaan ang pinanggagalingan ng isa’t isa.

“You have to understand the job din kasi,” sabi pa ni Billy

Si Coleen Garcia ay gaganap bilang Allie sa mini-series ng Viva na may titulong “Kung Hindi Tayo Sumuko” kung saan niya makakapareha ang aktor na si Carlo Aquino. Ang nasabing serye ay batay sa libro ng mga tula ng best-selling author na si Marcelo Santos III.

Samantala, kasalukuyan namang tumatayong coach sa singing competition na “The Voice Generations” si Billy Crawford kung saan niya kasama sina Chito Miranda, Stell, at Julie Anne San Jose.