Napanatili ng bagyong Ineng ang lakas nito habang mabagal na kimikilos pakanluran ngayong Martes, Setyembre 5, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa tala ng PAGASA dakong 11:00 ng umaga, huling namataan ang Tropical Depression Ineng 975 kilometro ang layo sa silangan ng Extreme Northern Luzon, na may maximum sustained winds na aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 55 kilometers per hour.
"Tropical Depression INENG is not directly affecting the country, although it is slightly enhancing the Southwest Monsoon (alongside Tropical Storm HAIKUI, which enhances it more)," anang PAGASA.
Inaasahan naman umanong magdudulot ang habagat ng mga pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon sa susunod na tatlong araw.
Patuloy ring magdadala ng gusty conditions ang habagat sa mga sumusunod na lugar sa Batanes, Ilocos Provinces, the western portion of Pangasinan, Zambales, Bataan, Kalayaan Islands, Lubang Island at Romblon ngayong Martes.
Posible na umanong lumabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo ngayong Martes din ng gabi o pagsapit ng Miyerkules, Setyembre 6, bilang isang “tropical storm.”
“Outside the PAR region, INENG will continue in its northeastward or north northeastward movement towards the waters south of mainland Japan,” saad ng PAGASA.