Usap-usapan ngayon sa social media ang isang makahulugang tweet ng aktor na si Jake Ejercito tungkol sa mga nagsuot umano ng West Philippine Sea (WPS) shirt kamakailan.

“But lol at those wearing ‘West Philippine Sea’ shirts but were as still as the grave between 2016-2022 ,” saad ni Jake sa isang X post noong Linggo, Setyembre 2, kung kailan lumaban ang koponan ng Gilas Pilipinas kontra sa koponan ng China.

Agad namang nag-viral ang nasabing tweet ng aktor, at habang sinusulat ito’y umabot na ito sa mahigit 18,000 likes, 2,944 reposts, at 450 quotes.

Ikinonekta rin ng ilang netizens ang naturang tweet ni Jake sa naging pagsusuot ng ilang mga senador ng shirt na may disenyong WPS nang manood sila ng laban ng Gilas.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

MAKI-BALITA: Mga senador, pinanood laban ng Gilas Pilipinas vs China suot ang WPS shirt

Narito ang ilang komento ng netizens sa post ni Jake:

“Agree. They can only wear statement shirts and that’s all. Ironically they don’t have balls to even engage into sound arguments & interpolations while at Senate whenever WPS matters are discussed. All for the show!

“Sheesh hahaha. Kala nila kung sino sila e hahaha.”

“Louder!!!! Please....”

Samantala, sa isang Instagram post noon ding Linggo, nagbahagi si Jake ng ilang mga larawan ng personal niyang panonood ng laban ng Gilas kasama ang anak na si Ellie.

“West Philippine Sea is ours!!” caption ng aktor sa naturang post.

Matatandaang tinambakan ng Gilas ang koponan ng China sa naturang laro sa score na 96-75. Ito ang kanilang unang pagkapanalo sa 2023 FIBA World Cup.

MAKI-BALITA: Gilas Pilipinas, tinambakan ang China