Umani ng reaksiyon at diskusyon ang video na ibinahagi ng Kapuso comedy star-TV host na si Pokwang tungkol sa isang video tungkol sa mga "iresponsableng husbands" ngayon.
Mapapanood sa nabanggit na video na makikita sa Instagram post ni Pokie, na hinihikayat ng tagapagsalitang si Pastor Ed Lapiz ang mga magulang, lalo na ang mga nanay, na habang bata pa lamang ang kanilang mga anak na lalaki ay matuto itong gumalang sa mga babae at kung paano maging responsableng asawa at magulang sa hinaharap.
"tabi tabi po….. real talk lang po….. tamaan wag magagalit…. 🤣😄😆" caption ng komedyana sa kaniyang Instagram post nitong Linggo, Setyembre 3.
Ayon naman sa tagapagsalita, "Itong mga iresponsableng husbands ngayon, pinalaki ng mga nanay nila 'yan na ganyan. Eighty percent (80%). Ang lagi natin dapat ituro sa bahay kapag may mga batang lalaki, teach them how to become good fathers and good husbands."
"Kasi kapag nakinig kayo sa lahat ng problema ng tao sa Pilipinas halos 4 yata out of 5 na babae iniiwan ng asawang lalaki. Tapos iniiwan na may mga anak na palalakihin. Bahala ka na sa buhay mo. Mga girlfriend na bubuntisin bahala ka na sa buhay mo."
"We must teach our men to become men because Forever boys. So maraming mga bahay yung mga batang lalaki basketball to death maghapon. Uuwi nagtututong mga medyas sa dumi lalabhan ni Ate. Tapos pagod na pagod, aakyat 'Anong pagkain?' Nagluluto si Ate saka si Nanay. So you will create another generation of spoiled men who will become irresponsible husbands."
View this post on Instagram
Sa comment section ay makikita naman ang iba't ibang reaksiyon at komento ng netizens tungkol dito.
"Tatay ko at mga kapatid kong lalaki marunong maglaba, magluto, maglinis ng bahay at hindi sila nang-iwan ng mga anak at asawa nila.. good job sa nanay at tatay ko!❤️"
"Tama lahat.... ang Mother pag nagsilang ng anak hangang kamatayan na ang pag aalaga nila😢."
"Pastor Ed Lapiz is the most genuine pastor I have ever met. He does not sugarcoat the truth. If you’re offended, it simply means you’re guilty😆"
"How your children turned out as an adult is what you’ve taught and instilled in them while growing up.. Education begins at home. Repetitive is education."