Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang probinsya ng Negros Oriental nitong Lunes ng umaga, Setyembre 4, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 5:23 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 79 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Basay, Negros Oriental, na may lalim na 29 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol. 

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.