Nagbahagi ang National Aeronautics and Space Administration (NASA) ng isang kamangha-manghang larawan ng planetang Saturn, kung saan makikita rin dito ang “photobombers” na Earth, buwan nito, at iba pang mga planeta na nagmistulang maliliit na tuldok ng liwanag.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng NASA na napitikan ng kanilang Cassini spacecraft ang naturang larawan ng Saturn.

“Our Cassini spacecraft captured this image from about 746,000 miles (1.2 million kilometers) using red, green, and blue filters to create this natural-color view of Saturn,” saad ng NASA.

Bukod naman sa Saturn, makikita rin sa larawan ang mga planetang Venus, Mars, Earth at ang buwan nito bilang maliliit na liwanag

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“Saturn, the sixth planet from the Sun, will be visible each day at sunset until Feb. 2024, appearing like a bright yellowish ‘star’ on the southeastern horizon,” saad pa ng NASA.

Noong lamang Hulyo, nagbahagi rin ang NASA ng malapitang larawan ng Saturn kasama ang buwan nitong Mimas na nakuhanan din ng Cassini spacecraft.

MAKI-BALITA: NASA, nakuhanan ng larawan ang Saturn at buwan nito

Hindi naman daw ang Cassini ang unang nakakita ng malapitang imahen ng Saturn. 

Ayon sa NASA, unang napag-aralan ang naturang planeta ng Pioneer 11, isang spacecraft na tumulong para mabigyang-daan ang paggalugad ng solar system, 44 taon na ang nakalilipas.