Nawindang ang content creator na si “Super Momma” nang makita niya ang laman ng kaniyang push cart matapos mag-grocery ng nagkakahalaga ng ₱4,000.

“Ganito na [hitsura] ng 4k worth of grocery, ni hindi man lang nangalahati na sa push cart. Dati ang ganyang halaga, kalahati na ang push cart na yan,” saad ni Super Momma sa kaniyang post.

Kaya ang payo niya sa kaniyang mga tagasubaybay, bilhin na lang muna kung ano ang mas kailangan at maghanap na rin ng dagdag income.

“Kasi kung aasa tayo sa iisang income lang, magugutom talaga ang pamilya natin–”

Human-Interest

Color code sa shopping basket 'pag namimili sa dept. store, bet ng Pinoy netizens

“Fighting lang tayo lahat! 💪🏼” pahabol pa niya.

Hati naman ang opinyon ng mga netizen sa comment section. Maraming naka-relate sa naturang post.

“I feel you sis..super unti na lang talaga nabibili ngayon. kaya dapat talaga may raket tayo para may pang grocery 😔”

“Totally agree!!! Super mahal na ng mga bilihin. Don’t mind the bashers. 🙂”

Pero may ilan ding hindi sumang-ayon sa pahayag ni Super Momma:

“Hello po. Ang grocery namin every week nasa 4,000-5,000 po and thank God puno naman po ang cart namin. Naka dependi po kasi yan minsan kung saang grocery store po kayo..."

"Hmm, naggrocery din ako kanina, two supermarkets pa — total of 6K pero I went home with 3 big boxes with 2 paper bags pa full of groceries. 😊..."

Kaya paliwanag niya sa comment section, unawain nang maayos ang kaniyang post.

"Sa mga triggered dito, PAKIBASA PO MAIGI BAGO KAYO MAGALIT AT MANG AWAY NG IBA. Wala po ako reklamo diyan, ang SINABI KO MAGTRABAHO TAYO AT MAGTULUNGAN. Period."

Si Super Momma ay isang parenting content creator. Sa eksklusibong panayam sa kaniya ng Balita, ang inspirasyon niya umano sa mga ginagawa niyang content ay ang mga first time mom at pati iyong mga nahihirapan sa pagiging nanay.

“My inspiration for creating content is for first-time moms and other struggling mommies with motherhood.”

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!