Magbubukas na muli ang aplikasyon para sa Pangkabuhayang QC Phase 3.

Ito ang abiso ng Quezon City government at sinabing magsisimula ang pagsusumite ng aplikasyon sa Setyembre 15-30.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Paglilinaw ng pamahalaang lungsod, ito na ang ikalawang batch ng Pangkabuhayang QC Phase 3 kung saan apat na requirement lamang ang dapat na iharap sa QC Hall.

Kabilang lamang sa kalakip ng aplikasyon ang Quezon City identification (QC ID), iba pang government-issued ID, komprehensibong business plan at category requirement.

"Siguraduhing naka-bind ang inyong QC ID sa registered QC E-Services account bago magsimula ang application period. Hindi na maaaring mag-apply ang naging benepisyaryo na ng Pangkabuhayang QC," ayon sa social media post ng QC government.

Idinagdag pa ng city government na maaari pa ring mag-apply ang mga na-reject ang application at tiyaking kumpleto ang requirements.

"Para sa ibang mga katanungan tungkol sa proseso ng aplikasyon sa Pangkabuhayan QC, gamitin ang aming ONLINE HELPDESK FORM: qc-sbcdpo.com/PBQCOnlineHelpdesk," ayon pa sa nasabing Facebook post.