Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Lunes ng hapon, Setyembre 4, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 5:11 ng hapon.
Namataan ang epicenter nito 368 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 5 kilometro.
Posible umanong magkaroon ng aftershocks ang lindol, ngunit hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.