Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Lunes ng madaling araw, Setyembre 4, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 2:15 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 72 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 104 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol. 

Pagbebenta ng ₱20/kilo ng bigas para sa mga senior, PWD, solo parents, sisimulan sa Mayo 2

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.