Kinabiliban ng maraming netizen ang pinta ni Christian Gloria na batay umano sa isang eksena sa Bibliya.

Matutunghayan sa kaniyang Facebook post nitong Biyernes, Setyembre 1, ang painting ng sagupaan ng mga anghel at ni Satanas.

Sa caption ng post ay nakasaad ang mga sumusunod:

THE FALL: The Fall of the Serpent

Human-Interest

New pet peeve unlocked: 'Parang nagfe-Facebook sa ATM dahil sa sobrang tagal!'

Acrylic on canvas

2ft x 3ft

Original composition

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Christian, matagal na raw niyang gustong gawin ang nasabing painting.

“Base siya sa isang scene sa Bible at matagal ko nang plano gumawa ng angel vs satan painting kasi isa sa hilig ko talaga ang fantasy. Gusto ko yung nag-iillustrate ako ng sarili kong version.”

Lalo pa umano siyang na-inspire na gawing serye ang kaniyang painting nang makita niya ang “The Fall of the Rebel Angels” ni Luca Giordano. Sa katunayan, nakalikha na siya ng anim na iba’t ibang bersiyon ng “The Fall” na sinimulan niya noong 2021.

Nang tanungin siya kung kailan niya natuklasan ang kakayahan sa pagguhit at pagpipinta, sinabi niya na limang taon siya noon.

“Hobby ko na ang mag-draw at noong mag-start na akong pumasok sa school unti-unti ko na-realize na may talent ako sa pagdo-drawing kasi sa isang room napapansin ko na mas may abilidad akong gumuhit kaysa sa kanila,” saad ni Christian.

Gayundin, nagbahagi siya ng payo para sa mga nagsisimulang artist:

“Magpinta o mag-drawing ng mga mahihirap kasi doon ka mag-i-improve. Mag-experiment at lumikha.”

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!