Nakalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Hanna nitong Lunes, Setyembre 4, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA nitong 11:00 ng umaga, huling namataan ang sentro ng bagyong Hanna 360 kilometro ang layo mula sa Northwest ng Itbayat, Batanes, na may maximum sustained winds na 120 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong 165 kilometers per hour.

Kumikilos ito pa-north northwestward sa bilis na 15 kilometers per hour.

Wala nang nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal sa alinmang bahagi ng bansa dahil sa lindol.

Probinsya

#WalangPasok: Klase sa ilang lugar sa bansa, suspendido sa Setyembre 4

Gayunpaman, pinalalakas umano ng bagyong Hanna ang southwest monsoon o habagat na magdudulot naman ng mga pag-ulan sa western portion ng Luzon sa susunod na tatlong araw.

Inihayag din ng PAGASA na patuloy na maghahatid ang habagat ng gusty conditions sa Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Nueva Vizcaya, the southern portion of Aurora, Zambales, Bataan, Bulacan, Metro Manila, Occidental Mindoro, Romblon, Marinduque, the northern portion of Palawan including Calamian, Kalayaan, and Cuyo Islands, and most of CALABARZON, Bicol Region, at Western Visayas ngayong Lunes.

Dahil sa masamang panahong dulot ng bagyo at ng habagat, ilang mga lugar sa bansa ang nagsuspinde ng klase ngayong Lunes.

MAKI-BALITA: #WalangPasok: Klase sa ilang lugar sa bansa, suspendido sa Setyembre 4