Positibo sa droga ang tatlong public utility vehicle (PUV) driver sa isinagawang surprise mandatory drug testing sa isang bus terminal sa Tuguegarao City, Cagayan.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) region 2 na nagsagawa sila noong Setyembre 1 ng surprise mandatory drug testing sa PUV drivers katuwang ang PDEA Interdiction Unit at Land Transportation Office (LTO).

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Layunin ng nasabing drug testing ay upang masigurado ang kaligtasan ng mga pasehero at maiwasan ang drug-related road accidents.

Lumabas na 3 sa 100 driver ang nagpositibo sa paggamit ng iligal ng droga.