Tampok nitong Biyernes, Setyembre 1, ang mga miyembro ng Queendom na sina Julie Anne San Jose, Jessica Villarubin, Thea Astley, Mariane Osabel, Hannah Percillas, at Rita Daniela sa burol ng namaalam ni Mike Enriquez.
Sa video na in-upload ng GMA Public Affairs sa X, matutunghayan doon ang pag-aalay nila ng kantang “Lead Me Lord” ni Gary Valenciano sa namayapang broadcaster.
https://twitter.com/lilyganados/status/1697843634052424001
Ngunit maraming netizen ang hindi umano nagustuhan ang ginawang pagbirit ni Jessica Villarubin, isa sa mga miyembro ng nasabing grupo.
Ayon sa isang netizen, ilugar dapat ni Jessica ang pagbirit sapagkat kumakanta siya sa lamay at hindi sa isang concert o singing competition. Para daw kasing laging may “pinatutunayan” ang singer.
“Ano ba yan Jessica! Ilugar ang pagbirit. Burol yan kalocca ka bwhwhwhwwh”
“Nawala ang solemnity dahit sa wala sa lugar na pagbirit.”
Hindi rin tuloy maiwasang maalala ng ilang netizen ang naging pagkanta ni Sarah Geronimo noong burol ng dating Pangulong Corazon Aquino.
“Dahil rito, naalala ko si SarahG nong namaalam na si Ms. Cory Aquino. Iba talaga ang sakit ng kanta pag SG, kahit sa birit na part, mararamdaman mo talaga nag sakit at ang bigat❤️
RIP Sir Mike”
“idol sguro ni Jessica villarubin si sarah Geronimo .napnood sguro nia video performance ni sarah noong lamay ni pres cory. Kimmy lng 😂🤣”
Pero sa kabila ng mga natanggap na batikos ni Jessica, may ilang netizen na nagtanggol sa kaniya:
“Si Sir Mike at Family ang Kinakantahan Hindi naman kayo, Mas Bida bida pa kayo sa Kamag Anak na walang Reklamo. Pinoy talaga may maipintas lang para mukang magaling 😏”
“Grabe pati ito issue sa iba? Haha. Di naman siguro sila sumalang jan at nabigla na lang sa pagbelt ni ati girl. Obviously it was the arrangement of the song, at si ati girl was tasked to lead while the rest to harmonize. I didnt feel na she intended manapaw or pasikat.”
Matatandaang si Jessica Villarubin ang ikatlong grand champion sa singing competition ng GMA na “The Clash”.
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Jessica tungkol dito.