Sa pagpasok pa lang ng ng Setyembre, nagsisimula na umano ang pagdiriwang ng kapaskuhan sa bansa. Maririnig na agad ang kantang ‘Christmas In Our Hearts’ ni Jose Mari Chan. O ang ‘All I Want For Christmas Is You’ ni Mariah Carey. Dadagsa ang memes sa mga social media kung saan naroon ang mukha ng dalawang singer. Magbabagong-bihis na rin ang buong paligid. Ibig sabihin, magsusulputan na ang iba’t ibang dekorasyon: christmas lights, christmas tree, parol, belen, rebulto ni Santa Claus, at marami pa.

At ang nasabing pagdiriwang ay magtatapos sa Pista ng Tatlong Hari, Enero 6. Ayon sa mga tala, ang nasabing pista ay isang paraan ng paggunita sa pagbisita ng tatlong hari kay Jesus sa sabsaban ng Bethlehem.

Kaya kung susumahin, mahigit tatlong buwan ang itinatagal ng selebrasyon ng Pasko sa bansa.

Pero ang tanong, bakit nga ba ganun katagal?

Human-Interest

Color code sa shopping basket 'pag namimili sa dept. store, bet ng Pinoy netizens

Sa artikulo ni Valeria Caulin na may pamagat na " Why The Philippines Has The Longest Christmas on Earth" sa website na "Culture Trip," sinabi niyang nakaugat ito umano sa pagiging family-centric ng mga Pilipino. Bukod pa riyan ang katotohanan na maraming Pinoy na nagtatrabaho sa iba’t ibang dako ng mundo para matugunan ang pinansiyal na pangangailangan ng kanilang mga mahal sa buhay. Kaya ang mahabang pagitan ng Pasko sa Pilipinas ay nakalaan para sa paghahanda ng bakasyon kasama ang pamilya. Sa ganitong paraan, mababawasan ang mga naipong lungkot dulot ng pangungulila sa isa’t isa.

Samantala, sa eksklusibong panayam naman ng DZMM kay Prof. Jimmuel Naval ng UP Diliman noong September 1, 2017, sinabi nito na ang Pasko ang nagsasalba sa atin mula sa hirap at sa mga problemang dumarating. Na parang ang lahat ay magiging okay na kapag dumating ang Pasko.