Betong Sumaya, pumatol sa basher: 'Wag kang manood!'

Hindi na napigilan ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes ang kanyang damdamin laban sa natatanggap na batikos kaugnay sa sunud-sunod na pagkatalo ng National squad at panawagan na magbitiw sa paghawak sa nasabing koponan.

Matatanggap aniya nito ang lahat ng negatibong reaksyon. Gayunman, ibang usapan na kapag nadadawit na ang kanyang mga mahal sa buhay.

Ito aniya ang kanyang naramdaman nang isapubliko nito ang pagbibitiw bilang coach ng koponan nitong Sabado, ilang minuto matapos manalo ang Gilas Pilipinas, 96-75, laban sa powerhouse team na China.

“And subject myself to this again? Maawa naman kayo sa akin. It’s just been brutal. You all know. You are there. You are part of it,” anito.

“It’s just been brutal. Never mind me, but on my family and my loved ones. It’s just been brutal,” ani Reyes.

Ipinaliwanag ni Reyes, ginawa niya ang kanyang makakaya upang manalo. Gayunman, hindi niya hawak ang sitwasyon.

“We had a great preparation plan as we started preparations for this on June 12 but we got our first complete practice as a team on August 18, one week before our first game. Think about that,” paliwanag ni Reyes.

Naglabas din ng sama ng loob si Reyes dahil ginawa nila ang lahat upang manalo sa lahat ng kanilang laban.

“Still, we fought all of those opponents, Italy, Dominican, Angola, but we fell short. But France didn’t advance, Australia is not advancing, there’s so many powerful teams that are not advancing pero sa Pilipinas bawal matalo eh,” ani Reyes.

“Dito sa atin, bawal matalo. It’s just too heavy, masyado ng masakit,” pagdidiin nito.

Tumindi ang natanggap na batikos ni Reyes, lalo nang matalo ng sunud-sunod sa kanilang laban.

“Just to be very honest, bastos naman talaga ‘yung mga ibang pinagsasabi so I don’t deserve it and my family doesn’t deserve it,” dagdag pa ni Reyes.

Reynald Magallon