Naisalaysay ng aktres na si Janice Jurado ang naging reaksiyon ni Da King Fernando Poe, Jr. nang malaman nitong hindi siya nanalo sa pagtakbo bilang pangulo ng bansa noong 2004.

Matatandaang kontrobersiyal ang nagbabalik-limelight na si Janice matapos niyang isiwalat na may namagitan sa pagitan nila ni FPJ noong nabubuhay pa ito.

Ikinuwento pa ito ni Janice sa anak ng yumaong Da King na si Lovi Poe na nakasama niya sa seryeng "FPJ's Batang Quiapo." Sey pa ni Janice, alam din ng yumaong kabiyak ng action star na si Susan Roces ang tungkol sa kanila.

Going back, sa panayam ni Julius Babao, nasabi ni Janice na kasama umano siya sa isinagawang victory party ni FPJ nang mga sandaling iyon. Masigla pa raw nitong inaasikaso ang mga dumarating na bisita nang walang ano-ano'y may matanggap itong tawag, na nagpabago sa mood at aura nito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nasa FPJ Compound daw sila nang mga sandaling iyon, at akala raw nila ay tiyak na ang panalo ng presidential candidate.

Narinig daw ni Janice na sinabi nito sa telepono habang kausap ang tumawag, “Hindi pupuwede ‘yon eh.”

“First time ko siyang narinig nagmura tapos hawakan niya ‘yong batok niya… collapsed. Bumagsak na,” dagdag pa ni Janice.

Hindi raw umalis si Janice sa tabi ni FPJ hanggang sa ma-confine ito sa ospital.

Na-stroke at comatose si FPJ, at pumanaw siya sa sakit na aneurysm noong Disyembre 14, 2004.

Matatandaang nakalaban ni FPJ si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa nabanggit na halalan, na siyang nagwagi naman.

Anyway, inamin din ni Janice sa vlog na ito na tumagal ng anim na taon ang relasyon nila ni FPJ hanggang sa ikinamatay na nito.