BarDa is really back!

Muling magpapakilig sa Primetime ng GMA Network ang tinaguriang "Break-out Love Team" ng 2022 dahil sa award-winning at hit series na "Maria Clara at Ibarra" na sina Barbie Forteza at David Licauco o kilala rin sa tawag na "BarDa," para sa kanilang seryeng "Maging Sino Ka Man" na mapapanood na sa Setyembre 11, 2023.

Ang nabanggit na serye ay TV adaptation ng pelikula nina Senador Robin Padilla at Megastar Sharon Cuneta noong 1991 na may kaparehong pamagat at soundtrack, na mula naman sa composed song ni singer-songwriter Rey Valera.

Kilig na kilig na nga ang BarDa fans sa muling pagbabalik-telebisyon, mainit-init pa, sa tagumpay na tinamasa ng MCAI. Kakaibang David Licauco kasi ang makikita ng mga manonood dito na gaganap sa karakter na "Carding."

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Samantala, mapapansin naman sa poster ng show na may nakalagay na "A Special Limited Series" dahil tatakbo lamang daw ang serye sa loob ng ilang episodes.

Inalmahan naman ng ilang netizens ang tila "disclaimer" na ito dahil tila inuunahan na raw ng Kapuso Network ang bashers kung sakaling magwawakas na kaagad ito sa ere at hindi hahaba ang kuwento, kagaya rin ng pambabash sa nalalapit na pagtatapos ng "Voltes V Legacy" bagama't nauna nang sinabi ng network na tatagal lamang sa ilang episodes ito at hindi kailangang pahabain.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Bakit may pa-special limited series? Nagpapaka-safe naman. Para nga naman kapag natsugi agad, sasabihin limited series lang. Pero kapag pumatok sasabihin na-extend due to insistent public demand hahaha."

"Limited Series πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ Advance din mag-isip... pag naligwak... eh di tsugi πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚."

"Ang luma ng poster. πŸ˜‚ Bakit ganyan ang poster? Saka bakit may special limited series?"

"Bakit my limited paki-explain derik?"

"Bakit limited series lang?"

Samantala, pagtatanggol naman ng BarDa fans, hindi naman daw kasi kailangang pahabain ang serye para hindi masira ang kuwento nito.

"Sanay kasi mga tao sa serye na umaabot ng pitong taon nakakaloka!"

"Eh pelikula kasi 'yan originally so no need pahabain, hindi kagaya ng adaptation sa kabila, umabot ng pitong taon?"

"Hindi naman kasi dapat pinapahaba ang kuwento, okay na 'yan!"

"Kaysa naman sa nakakaumay na, paikot-ikot lang ang istorya!"

"Iyak yung kabila, tingnan natin kung mapataob sila o mapataob nila ang BarDa!"

Ang makakatapat sa timeslot ng BarDa series ay ang "FPJ's Batang Quiapo" ni Coco Martin na TV adaptation din ng pelikula ni Da King Fernando Poe, Jr., matapos niyang gawin ang matagumpay na "FPJ's Ang Probinsyano."