Labing-apat na tripulante ang nasagip matapos sumadsad ang isang cargo vessel sa Paluan, Occidental Mindoro nitong Biyernes.

Sa initial report ng Philippine Coast Guard (PCG), dakong 2:00 ng madaling araw nang mangyari ang insidente malapit sa Calavite na kinasasangkutan MV Joegie 5.

Sa pahayag ng commander ng PCG sa Occidental Mindoro na si Capt. Edyson Abanilla, patungo na sana sa Sablayan, Occidental Mindoro ang cargo vessel na sakay ang halos 30,000 sako ng semento mula sa Bauan, Batangas nang maganap ang insidente.

Probinsya

51-anyos na magsasakang nagpapahinga sa fishpond, patay nang barilin ng 19-anyos na lalaki

Sa pahayag naman ng vessel Captain na si Arnie Alberto, hinampas ng malalakas na alon ang barko hanggang sa tangayin mababaw na bahagi ng dagat kung saan ito sumadsad.

Nailigtas ang 14 tripulante sa tulong na rin ng mga residente at search and rescue team ng Coast Guard.

Iniutos kaagad ni Abanilla na tanggalin na cargo vessel sa lugar upang maiwasang magkaroon ng oil spill.