Viral ang Facebook post ng isang netizen na nagngangalang "Diosen Cortes" matapos niyang mapagtantong ang ₱500 bill ngayon ay parang bagong ₱20 na lamang dahil sa taas ng presyo ng mga bilihin sa kasalukuyan.
Aniya sa kaniyang post noon pang Hunyo 27 subalit patuloy na umaariba ngayon sa social media dahil nakaka-relate ang marami, "500 is the new Bente."
"This bill used be like 'I can survive a week with this' but now, nagmerienda lang ako sa turo turo, gulat na lang ako naging barya bigla 'yan. Ano yon sumingaw?"
Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens na tila na-trigger sa kaniyang post. May ilan kasing nagsabing totoo ito, subalit may ilan namang nagsabing baka marami siyang inorder sa turo-turo na kaniyang pinagkainan.
"Isang araw na pinagtrabahuhan pero isang kisap-mata lang pag maubos #realidad."
"Totoo naman kasi. Parang dumudulas na lang sa palad ang pera ngayon."
"Sir ano ba kase mineryenda mo 500 naman namin napagkasya namin 2 araw 4 kami dito 😄 ang sabihin mo gastador ka lang 😂."
"Baka kung ano-ano kasing kinain mo sa turo-turo kaya wala nang natira?"
"You got wrong 1k is the new bente, in the glimpsed of eye it was already barya barya nalang. Sad reality tho but need to work harder and strive harder the world is already changing."
"Mababa pasahod, mahal ang bilihin."
"Grow up...stop comparing... we are in 2023 now... not in 1990s... if you want to spend lesser then spend your money wisely...mag merienda ka nga ng dahun... yung maka save ka...good for you...you can make merienda...most of the individuals up to now can still spend 500.00 almost a month...10.00 rice + 10 pansit or gulay...it depends still on how you spend and it depends on your point of view..because you did not eat the same before..."
Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Diosen, napag-alamang isa siyang freelance ESL tutor mula sa Camiling, Tarlac.
Nagbigay rin siya ng komento tungkol sa mga sinasabi ng mga tao laban sa kaniya.
"I'm trying to avoid reading the comments as possible pero nasilip ko yung mga comments na ganyan. Well yun na nga yung feeling na parang 'bente' na lang yung value ng 500 compare noon. Way back let's say 15 years ago? Yung pakiramdam na may bente ka as a teenager alam mong marami kang mabibili na merienda."
"It's about the feeling na noon, 'Nagmerienda ka bente lang ok na.' Ngayon, 'Nagmerienda ka, 500 na 'yon?" aniya pa.
Habang isinusulat ang balitang ito ay umabot na sa 19k reactions, 34k shares, at 1.2k comments ang nabanggit na post.
---
Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!