
(Department of Agriculture/FB)
Rice price ceiling, ipatutupad na sa Sept. 5 -- Malacañang
Ipatutupad na sa Martes, Setyembre 5, 2023, ang price ceiling sa bigas, ayon sa Malacañang.
Kapag naipatupad na ang nasabing kautusan ng Malacañang, magiging ₱41.00 na kada kilo ang regular milled rice at mabibili na ng ₱45.00 kada kilo ang well-milled rice.
Ang naturang presyo ay alinsunod sa Executive Order No. 39 na inilabas ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Layunin ng hakbang na maibsan ang publiko sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas sa merkado.