Kasado na sa darating na Lunes, Setyembre 4, ang online oathtaking para sa bagong radiologic technologists at x-ray technologists, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) nitong Biyernes, Setyembre 1.

Ayon sa PRC, magaganap ang naturang online oathtaking dakong 10:00 ng umaga.

Pangungunahan umano ito ng PRC-Baguio sa pamamagitan ng Zoom.

Pinapayuhan ang inductees na magsuot ng formal o business attire at gumamit ng puting backdrop (white physical o virtual background) sa buong seremonya ng oathtaking.

National

LPA, nabuo sa loob ng PAR matapos ang paglabas ng bagyong Carina

“Please secure an online appointment schedule at http://online.prc.gov.ph and select ‘e-OATH’ as transaction.,” anang PRC.

“The online registration will close five (5) calendar days before the virtual oathtaking day. Inductees are required to print the ‘OATH OF PROFESSIONAL’ form downloadable from the PRC official website under PRC Online Services,” dagdag pa nito.

Inabisuhan din ng PRC ang inductees na bisitahin ang kanilang website link para sa step-by-step procedure ng online oathtaking application system, maging ang link para sa kanilang registration at ceremony protocols.