Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang probinsya ng Masbate nitong Sabado ng madaling araw, Setyembre 2, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 12:03 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 10 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Pio V. Corpus, Masbate, na may lalim na 12 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Intensity II - Kawayan, Biliran 

Intensity I - Maripipi, Biliran; Calubian, Leyte 

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol. 

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.