Viral kamakailan ang Facebook post ng isang netizen na may caption na ‘NOT TO BRAG BUT TO INSPIRE’.

Ibinahagi kasi ni Rea Joy Adran sa kaniyang Facebook page ang larawan na kasama ang buo niyang pamilya. Sinabi niya sa caption na iyon diumano ang kauna-unahang pagkakataon na kumain sila sa labas.

“Grateful and thankful ako at the same time kasi ‘yung mga gusto ko nung bata nagagawa ko na ngayon,” saad ni Reya sa kaniyang post.

“Sabi ng iba, sa Jollibee na lang daw kasi wala ng option, but for us Jollibee is a goal not an option!” dagdag pa niya.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Reya, sinabi niya na anim silang magkakapatid. Bukod pa riyan ang iba pang miyembro ng pamilya.

“6 kaming magkakapatid, 3 yung in-laws ko, lola ko, parents ko and pamangkin ko,” sagot niya.

Kaya naman talagang nagtutulungan sila para malampasan ng pamilya niya ang mga pagsubok na dumarating sa kanilang buhay.

“Nagtutulungan kami of course and yung understanding is a must.”

Maraming netizen ang naka-relate at na-inspire sa naturang post:

“Napakasarap sa feeling ng ganito na makikita mo silang masaya lahat❤️🥰💖”

“Pangarap ko din to.😊 Isa sa rason bat Ako Ng abroad 💕”

“Pangarap ko din to actually🙂🙏💕”

“Masaya tlaga na ikaw naman nakaka provide sa family mo.”

Bilang panghuli, nagpaabot si Reya ng mensahe para sa mga tao na patuloy na inaabot ang kanilang mga pangarap sa buhay:

“Wag lang silang magsawang maghintay sa breakthrough nila [kasi] eventually darating yan and let God be the center of it…”

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!