Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Iglesia Ni Cristo (INC) Executive Minister Eduardo Manalo bilang Special Envoy of the President for Overseas Filipinos Concerns.

Inihayag ito ng Presidential Communications Office (PCO) sa isang Facebook post nitong Sabado, Setyembre 2.

Matatandaang inendorso ng INC, na kilala sa bloc voting system, si Marcos noong 2022 presidential elections.

Samantala, hindi naman ito ang unang beses ni Manalo sa nasabing posisyon. Nauna na siyang itinalaga sa puwesto ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte mula Enero 30, 2018 hanggang Enero 29, 2019.

Pagbebenta ng ₱20/kilo ng bigas para sa mga senior, PWD, solo parents, sisimulan sa Mayo 2

Si Manalo ay ang apo ng yumaong INC founder na si Felix Manalo. Siya ang panganay na anak ng yumaong si Eraño Manalo, na naging executive minister ng INC sa loob ng 46 na taon mula 1963.