Bahagya pang lumakas ang bagyong Hanna habang kumikilos ito papalapit sa Taiwan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Sabado ng umaga, Setyembre 2.

Sa tala ng PAGASA nitong 11:00 ng umaga, huling namataan ang sentro ng bagyong Hanna 455 kilometro ang layo sa East Northeast ng Itbayat, Batanes, na may maximum sustained winds na 130 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong 160 kilometers per hour.

Kumikilos ito pa-west northwestward sa bilis na 10 kilometers per hour.

Dahil dito, nakataas pa rin sa Signal No. 1 ang Batanes.

National

Romualdez masarap daw tulog, nag-react sa balitang na-stroke, naospital siya

“Minimal to minor impacts from strong winds are also possible within any of the areas under Wind Signal No. 1,” saaad ng PAGASA.

Samantala, inaasahan umanong makaranas ng mga pag-ulan ang kanlurang bahagi ng Luzon sa susunod na tatlong araw dahil sa southwest monsoon o habagat, na pinalakas ng bagyong Hanna at ng dalawa pang bagyo (SAOLA at KIROGI) na nasa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).

Inihayag din ng PAGASA na patuloy na maghahatid ang habagat ng gusty conditions sa Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Nueva Vizcaya, Zambales, Pampanga, Bataan, Aurora, Bulacan, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, at northern portion ng Eastern Visayas ngayong Sabado hanggang sa Linggo, Setyembre 3.

Inaasahan naman umanong lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo sa Lunes ng umaga o tanghali, Setyembre 4.