
(Manila Bulletin File Photo)
'Goring' nag-iwan ng ₱504M pinsala sa agrikultura -- DA
Mahigit sa ₱504 milyong halaga ng pinsala sa agrikultura ang iniwan ng Super Typhoon Goring kamakailan.
Ito ang isinapubliko ng Department of Agriculture (DA)-Disaster Risk Reduction and Management Operations Center nitong Biyernes.
Halos 12,000 magsasaka ang naiulat na naapektuhan ng kalamidad sa Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon (Region 4A) at Western Visayas.
"Affected commodities include rice, corn, high-value crops, and livestock," ayon sa pahayag ng DA.
Matatandaang lumabas na sa bansa ang naturang bagyo nitong Miyerkules.