Nasungkit ng Gilas Pilipinas ang unang pagkapanalo sa 2023 FIBA World Cup matapos nilang tambakan ang koponan ng China sa score na 96-75 sa Araneta Coliseum nitong Sabado, Setyembre 2.
Nanguna sa Gilas si Jordan Clarkson na nakapag-ambag ng 34 puntos.
Nagpaulan si Clarkson ng limang three-point shots at pumuntos ng 24 sa third quarter lamang ng laro, dahilan kaya’t nakabuo ang Gilas ng 22-point lead kontra China, 73-51.
Sa pagpasok ng 4th quarter, napanatili ng Gilas ang kanilang lamang at natapos nga ang laban sa final score na 96-75.
Dahil sa naturang pagkapanalo kontra China, may pagkakataon pa ang Gilas na makasungkit ng ticket sa 2024 Paris Olympics sa pamamagitan ng FIBA Olympic Qualifying Tournament (FOQT).