“So, iikot po iyong gobyerno, iyong mga composite teams sa mga bodega at hahanapin itong mga profiteers at hoarders at mayroon pong… pwede po silang ma-penalize sa Price Act for profiteering and the hoarding,” sabi ng opisyal sa isang pulong balitaan sa Quezon City nitong Sabado.
“Mayroon pong administrative fine na can go as high as ₱2 million o pwede pong ma-seizure iyong mga… itong mga bigas na ito. At mayroon din pong criminal—ano iyan, penalty," anang opisyal.
Iniipit aniya ng mga trader at hoarder ang supply sa merkado para tumaas ang presyo.
“Lumalabas sa pag-aaral na hindi nga lang iyong hoarding at malinaw na may sapat na supply tayo. Hindi po nagkukulang ng supply, may nang-iipit po, iniipit po iyong supply natin, marami pong nakatago sa mga bodega," dagdag pa ni Uvero.