Opisyal nang inanunsiyo ng Department of Education (DepEd) nitong Biyernes, Setyembre 1, ang National Teachers’ Month Kick-Off Celebration.

Ayon sa DepEd Philippines, magsisimula ang Kick-Off Celebration sa Martes, Setyembre 5, sa Bohol Wisdom School. “Together4Teachers” ang magiging tema ng pagdiriwang ngayong taon. I-eere ang livestream ng programa sa mga official website ng DepEd gaya ng Facebook at YouTube Channel.

Hinihikayat umano ng ahensiya na sama-samang ipakita ang pasasalamat at pagmamahal para sa ipinapamalas na husay at kadakilaan ng mga guro sa kanilang propesyon na tumutupad sa tungkulin ng paghulma ng isang bansang makabata at batang makabansa.

Malaca<b>ñang sa umano'y pagtakbo ni VP Sara sa 2028: 'It's her privilege'</b>

Samantala, ang World Teachers’ Day naman ay magaganap sa Oktubre 5. Ito ay sinimulang ipagdiwang ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO) noong 1994.