Sa pagpasok ng “ber” months, nagbahagi si United States (US) Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson ng larawan kasama ang singer na si Jose Mari Chan.

“An image you can hear,” ani Clarkson sa platapormang X (dating Twitter) nitong Biyernes, Setyembre 1.

“Whenever I see Jose Mari Chan, it means the ber months — and the wonderful holiday season in the Philippines — has begun! 🎄,” saad pa niya.

Shinare naman ng US Embassy in Manila ang naturang post ni Carlson kasama ang caption na: “Ber months na beshie ko .”

#PampaGoodvibes: Mga pangmalakasang memes kay Jose Mari Chan ngayong 'ber' months

Nakikita ng maraming Pinoy si Jose Mari Chan bilang mukha ng pagsisimula ng Christmas season sa Pilipinas dahil sa mga sikat na Christmas songs nito tulad na lamang ng "Christmas In Our Hearts” na ni-release noong 1990.

Kaugnay nito, muling naglipana ang memes para kay Jose Mari Chan tungkol sa tila paghahanda na naman nitong kumanta para ipaalala sa bawat isa ang pagsisimula ng Christmas season.