Dalawa o tatlong bagyo ang maaaring mabuo o pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ngayong buwan ng Setyembre, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa PAGASA, Ineng, Jenny, at Kabayan ang magiging lokal na pangalan ng mga inaasahang susunod na bagyo sa bansa.

Inihayag din ng PAGASA na maaaring mag-recurve at hindi mag-landfall, o kaya naman ay mag-landfall at tumawid sa Pilipinas ang mga nasabing bagyo sa Setyembre.

Samantala, anim hanggang walong bagyo pa raw ang maaaring pumasok o mabuo sa PAR hanggang sa matapos ang 2023.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa ngayon, walong bagyo na ang nakapasok o nabuo sa PAR sa taon ito, kabilang na ang bagyong Amang, Betty, Chedeng, Dodong, Egay, Falcon, Goring, at ang bagyong Hanna na kasalukuyan pa ring nasa loob ng PAR.

MAKI-BALITA: ‘Hanna’ napanatili ang lakas habang kumikilos pakanluran sa Philippine Sea