Natulungan ng Philippine Red Cross (PRC) ang isang manlalaro ng FIBA World Cup na may rare blood type, matapos na ma-injured sa isang laro.

Nabatid na naganap ang insidente nitong umaga ng Agosto 31, kung kailan nagkaroon ng medical emergency ang naturang FIBA player matapos na ma-injured sa isang laro.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kinailangan umano ng manlalaro ng isang emergency operation na nangailangan ng blood transfusion ngunit rare ang blood type nito.

Nang matanggap naman ng PRC ang blood request mula sa medical doctor na kasama ng national team ng manlalaro, ay kaagad silang nagpadala ng dalawang units o bags ng naturang rare blood “type A-.”

“As the host country of the FIBA World Cup, we are supportive of all the delegates. Every large gathering, such as the FIBA, should have provisions for emergency medical services like pre-hospital treatment, ambulances and standby blood supply including rare blood, because time is of the essence in a medical emergency,” ayon kay PRC Chairman at CEO Dick Gordon.

Sinabi naman ni Dr. Gwen Pang, Secretary General ng PRC na, “An adequate supply of safe, quality blood products and a registry of rare blood type donors are essential for the country to be prepared for medical emergencies.”

Ayon kay PRC Blood Services Director, Dr. Christie Monina Nalupta, nasa less than 1% lamang ng populasyon ng Pilipinas ang may Rh negative factor.

Gayunman, hindi pa aniya lahat ng mga ito ay maaaring maging blood donors.

Sa pagbubukas ng FIBA, naroroon din umano ang PRC at nagtalaga ng mga trained emergency medical services personnel at ambulance units sakaling magkaroon ng emergencies.

Para sa mga blood requests, blood donation, at inquiries, maaaring makontak ang PRC sa pamamagitan ng kanilang Blood Services hotline 1158, landline +632 8790 2300, o email na [email protected].