National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Nagtakda na si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ng price ceiling sa bigas sa buong bansa sa gitna ng nakaaalarmang pagtaas ng presyo nito sa merkado.

Ito ay kasunod ng pag-apruba ni Marcos sa rekomendasyon ng Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) magpairal ng price cap upang matiyak ang makatwirang presyo nito at madaling maabot ng mga Pinoy.

Pinagbatayan ng DA at DTI ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas sa bansa.

Ang hakbang ng Malacañang ay nakapaloob sa Executive Order No. 39 na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin nitong Agosto 31.

"Under EO 39, the mandated price ceiling for regular milled rice is ₱41.00 per kilogram while the mandated price cap for well-milled rice is ₱45.00 per kilogram," ayon sa Malacañang.

“The mandated price ceilings shall remain in full force and effect unless lifted by the President upon the recommendation of the Price Coordinating Council or the DA and the DTI,” ayon pa sa executive order.