Ibinahagi ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang kaniyang “katotohanan” hinggil sa estado nila ng kaniyang ex-boyfriend na si Batangas Vice Governor Mark Leviste.

Sa Instagram story ni Kris noong Biyernes, Setyembre 1, serye ng screenshots ng private message nila Mark ang ibinahagi ng aktres.

<b>Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina</b>

“Marc, aren’t you tired of unanswered messages? It took me 2 weeks and a half to feel that I no longer really feel the need to keep communication lines open with you,” mensahe ng aktres kay Mark.

“Whatever is going on in my life or in yours, parang nawala na the desire for me to know what’s happening with you or for me to keep you informed,” sey pa ni Kris.

screenshot mula sa IG story ni Kris Aquino

Binigyang-diin naman ng aktres na hindi naman daw siya naimpluwensyahan ng kahit na sino. Bumalik lamang daw siya sa kaniyang dating gawi na pagbabasa ng mga bagong libro.

“I haven’t been influences by anyone. It’s just that I’ve fallen back to my pattern of reading a new book every 2-3 days, reading NYT, and the magazines I like, and coping with the hardships my body must endure,” ani Kris.

“I want to remain polite but this is really what happens when we are so far from each other— people really do grow apart. Thank you for keeping in touch BUT I’d really prefer if you don’t. It’s really a lot more peaceful now. And that’s always been my prayer. Serenity and peace,” huling mensahe ng aktres.

screenshot mula sa IG story ni Kris Aquino

Bagama’t nag-reply si Mark sa naturang mensahe, hindi na isinama ni Kris ang buong mensahe nito.

screenshot mula sa IG story ni Kris Aquino

Sa sumunod sa IG story ni Kris, inamin niyang mahirap ang pinagdadaanan niya ngayon sa kaniyang kalusugan kaya gusto niya talagang maging pribado umano ang detalye hinggil sa personal na buhay niya.

“Was I asking for too much when I asked for our relationship to stay private? Mahirap ang pinagdadaanan ko— I don’t wish this on anybody,” anang aktres.

Nagbigay rin siya ng kaunting update sa kaniyang kalusugan. Aniya, nadagdagan ng dosage ang gamot niya.

“My dosage for methotrexate (my chemotherapy medication being used as an immunosuppressant to help treat my 3 life threatening autoimmnune disorders) was increased,” kuwento ni Kris.

“I’ve barely slept since then because SOBRANG SAKIT ng buong katawan hanggang sa buto na mismo. I try not to cry in front kuya and Bimb BUT I couldn’t stop my tears,” aniya pa.

Dahil dito, hanga si Kris sa mga taong sumasailalim sa chemotherapy.

“To all who are undergoing chemotherapy now— bilib na bilib ako sa tapang n’yo. Sa mga naka-graduate and okay na ngayon, YOU ARE MY INSPIRATION,” dagdag ni Kris.

Humingi rin ng pasensya ang aktres dahil nagiging maingat daw siya sa pagiging “private.”

“Pasensya na po I’ve been so careful about staying ‘private.’ I never posted details,” aniya.

Sa huling bahagi ng IG story ng Queen of All Media, tila may patama pa umano siya sa kaniyang ex-boyfriend.

“Ang problema, nagising ako sa katotohanan na kung talagang minahal ako, at alam na sumuko na [a]ko sa LDR, bakit hindi kinayang ibigay yung katahimikan na kailangan ko for my emotional wellness, lessened anxiety, and my chance for peaceful healing journey,” ani Kris.

screenshot mula sa IG story ni Kris Aquino