Nabanggit ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa kaniyang latest health update na bilib na bilib siya sa mga taong sumasailalim sa chemotherapy.
Parte ng kaniyang Instagram story nitong Biyernes, Setyembre 1 ang mistulang health update niya.
Sinabi ng Queen of All Media na nadagdagan ng dosage ang gamot niya.
“My dosage for methotrexate (my chemotherapy medication being used as an immunosuppressant to help treat my 3 life threatening autoimmnune disorders) was increased,” kuwento ni Kris.
“I’ve barely slept since then because SOBRANG SAKIT ng buong katawan hanggang sa buto na mismo. I try not to cry in front kuya and Bimb BUT I couldn’t stop my tears,” aniya pa.
Nabanggit ni Kris na bilib na bilib siya sa tapang ng mga sumasailalim sa chemotherapy.
“To all who are undergoing chemotherapy now— bilib na bilib ako sa tapang n’yo. Sa mga naka-graduate and okay na ngayon, YOU ARE MY INSPIRATION,” aniya.
KAUGNAY NA BALITA: Kris ayaw lubayan ni Mark Leviste?: ‘Kung talagang minahal ako bakit hindi kinayang ibigay yung katahimikang kailangan ko?’
Noong Agosto 10 huling nagbahagi si Kris hinggil sa kalusugan niya.
“Dr. Malika Gupta gave me my 2nd dose of a biological injectable (unfortunately not available in the 🇵🇭) to help lower my very high IgE (please google, BORING sa haba kung i-define ko)… She calls me a “bad-ass” because kinakaya ko even though malapot at mahapdi yung ini-inject at malalim kailangan ibaon yung prefilled high tech syringe.”
“Yes, matapang na ko sa halos lahat ng kailangan pagdaanan at mataas ang pain tolerance ko. It’s the AFTERMATH, 72 hours feeling kagaya nung bigat after a Covid vaccine but x3. Yes, parang 3X akong na Pfizer or Moderna. This will be every other week, optimistically for me to reach “remission” over the next 10 to 12 months.”
“Every other Tuesday, it’s both my biological injectable PLUS methotrexate (my chemotherapy medication taken 1x/week, being used as an immunosuppressant to help me reach remission for 3 of my autoimmune conditions).”
MAKI-BALITA: Kris Aquino nagbigay ng latest updates sa kaniyang kalusugan
https://balita.net.ph/2023/08/10/kris-aquino-nagbigay-ng-latest-updates-sa-kaniyang-kalusugan/