Napanatili ng bagyong Hanna ang lakas nito habang kumikilos pakanluran sa bilis na 15 kilometers per hour, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Biyernes ng hapon, Setyembre 1.

Sa tala ng PAGASA nitong 5:00 ng hapon, huling namataan ang sentro ng bagyong Hanna 710 kilometro ang layo sa East Northeast ng Itbayat, Batanes, na may maximum sustained winds na 120 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong 150 kilometers per hour.

Base sa forecast track ng PAGASA, maliit lamang ang tiyansang direktang magdudulot ng malakas na pag-ulan ang bagyo dahil malayo umano ito sa kalupuan ng bansa.

Gayunpaman, magdadala ng occassional hanggang monsoon rains ang southwest monsoon o habagat, na pinalalakas ng Typhoon Hanna, Typhoon Saola (Goring), at Severe Tropical Storm Kirogi, sa kanlurang bahagi ng Luzon sa susunod na tatlong araw.

National

Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Patuloy naman umanong maghahatid ang habagat ng gusty conditions sa Batanes, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, Bataan, Aurora, Bulacan, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, at northern portion ng Eastern Visayas ngayong Biyernes.

Inaasahan umanong lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo sa Linggo ng tanghali o gabi, Setyembre 3.