Wala nang pag-asang makalaro ang Gilas Pilipinas sa 2024 Summer Olympics sa France sa susunod na taon.
Ito ay matapos pabagsakin ng South Sudan, 87-68, sa 2023 FIBA Basketball World Cup sa Araneta Coliseum nitong Huwebes ng gabi.
Nakahabol ang Gilas Pilipinas sa South Sudan, 60-56, mula sa 21 puntos na bentahe ng huli sa first half.
Gayunman, rumatsada pa rin ang magiging manlalaro ng Chicago Bulls na si Carlik Jones at hindi hinayaang umusad ang National squad hanggang sa maiuwi ang panalo.
Kaugnay nito, kinuha na ng Japan ang unang slot para sa Olympic matapos manalo laban sa Venezuela, 86-77, sa Okinawa para sa Paris Olympics sa susunod na taon.
Matatapos na ang kampanya ng Gilas sa World Cup sa Sabado kung saan haharapin nito ang China na nanalo kontra Angola nitong Huwebes.