Kumalap ng iba’t ibang reaksyon ang isang pahayag ng broadcast journalist na si Atom Araullo hinggil sa pagiging mas kritikal pa umano ng mga Pilipino sa coach ng basketball kaysa sa mga nahalal na opisyal sa gobyerno.

Matatandaang nakatanggap ang koponan ng Gilas Pilipinas ng sunod-sunod na pagkatalo sa FIBA ​​World Cup.

Dahil dito, ilang mga Pinoy basketball fans ang nagpahayag ng pagkadismaya sa coach na si Chot Reyes, at sinabing ito raw ang dahilan ng hindi magandang performance ng Gilas.

“Minsan parang mas harsh pa tayo sa coach ng basketball kesa elected officials natin,” saad naman ni Araullo sa kaniyang X post nitong Huwebes, Agosto 31.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Marami naman ang nag-react at sumang-ayon sa naturang post ni Araullo.

“Wala kasing parliamentary courtesy sa basketball ,” saad ng kapwa niya mamamahayag na si Karen Davila.

“Pati sa beauty queens, dapat mas magaling sumagot kaysa mga senador,” komento naman ng isang netizen, bagay na nireplyan ni Araullo ng “True.”

Komento pa ng netizens:

“Madalas. Harsh tayo sa mga celebs kahit personal na buhay na nila ang sangkot. Pero sa mga bastos sa batas at ganid sa pera ng bayan, dedma.”

“Hindi lang po ata minsan. Parang lagi na nga po eh.”

“Eerrmmm...actually madalas. Also with beauty pageant contestants.”

“Minamahal natin basketball kaya harsh tayo sa coach. Motto sa Gilas ‘laban Pilipinas, Puso.’ Ang bayan natin kaya, gaano natin kamahal?”

“Sad but true. If more people would have the same standards for politicians, we won't be in a circus right now.”

Habang sinusulat ito’y umani na ng 4,197 reposts at 17.600 likes ang naturang post ni Araullo.