Hinangaan sa social media ang makabagong Barong Tagalog na isinuot at ipinagawa mismo ni Vinz Charles B. Lumanas, 17-anyos, Grade 12 student sa Ateneo De Davao University, dahil sa unique nitong disenyo at tabas.

Sa kaniyang Facebook post, "awra kung awra" si Vinz sa pag-flex ng kaniyang kasuotan, na aniya ay para sa pampinid na palatuntunan ng kanilang paaralan para sa pagtatapos ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2023.

"Mabuheyyy!🇵🇭✨" aniya sa kaniyang Facebook post.

"Edit: Mabuhey yall! I am really flattered by everyone's love and support, and I want to thank you all for recognizing my creativity in putting this outfit together."

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

"For everyone who is asking where I got my outfit, I just bought a barong and had it cropped, and my corset and boots are from Shopee."

Ayon sa eksklusibong panayam ng Balita kay Vinz, naisipan lamang daw niyang gawin ang nabanggit na kasuotan "last minute." Ibinahagi rin niya kung magkano ang nagastos niya rito.

"Ang nagastos ko po sa barong is around ₱850 while ₱45 po yung pamaypay and ₱100 po sa seamstress so ₱995 po lahat, and yung ibang pieces is nasa closet ko na po."

"Actually the day before the Buwan ng Wika po namin 'yan napagawa so it’s super last minute po talaga," dagdag pa niya.

Habang isinusulat ang balitang ito ay umabot na sa 12k heart reactions, 5.9k shares at 670 comments ang nabanggit na post ni Vinz.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!